



Here is the reaction of some personalities to Senator Pacquiao's action.
“And whaddyaknow? Eto na ang isang banat! Sa unang basa mo akala mo nakakabilib eh ano? Huwag ka, dehins ito kaya ng imagination ng pinakamagaling na adviser and PR ni Pacman. This was spoonfed to him, on a silver and star-spangled platter… Patindi ng patindi ang anti-Duterte propaganda, Peeps… Abangan!” according to Radio Host na si Mark Lopez.
“Nagsulat po kayo sa presidente ng US using letterhead ng senado, and thus in your capacity as senator of the republic. Ano po yan? Sumosolo kayo ng lakad? Meron po kasi tayong Sec of Foreign Affairs. Alter ego po siya ni pangulo. Si pangulo po ang nagseset ng foreign policy natin. Si Ambassador Babes Romualdez naman ang kinatawan natin sa US. Sila po ang officials natin sa larangang ito. Meanwhile, through the efforts of Sec. Galvez, nakaacquire po tayo ng 13 million doses ng Moderna. Naka negotiate tayo ng additional 7million doses niyan through private initiative just last March. Kailangan intindihin ninyo na may mga proseso tayo at protocols. Yung sinasabi ninyong “direct line” ano po ibig ninyo sabihin? Kinukuha nyo cellphone number ni Pres. Joe Biden? Wag po ganyan. Marahil gusto ninyong ipakita na may ginagawa kayo. Pero sa hindi pagsunod sa patakaran, medyo masama na yung mensahe ninyo.” said Atty. Trixie Cruz-Angeles and Ahmed Paglinawan


No comments