Home Top Ad

Nakikita na ni Trillanes na Talunan ang mga Duterte ngayong 2022 Eleksyon

Share:

Nais ng dating Senador Antonio Trillanes IV na si Pangulong Rodrigo Duterte o ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbo sa 2022 national election upang makita silang talunan.

Nakapanayam sa "The Mangahas Interviews," sinabi ni Trillanes na inaasahan niya ang pagkatalo ng mga Duterte sa eleksyon ngayong 2022 kung sakaling magpasya silang tumakbo.

"Ang personal preference ko ay dapat may tumakbong isang Duterte nang sa ganoon magkaroon ng opportunity 'yung taumbayan na i-reject itong Duterte name sa Philippine politics para naman ma-redeem natin 'yung ating national soul at mapakita natin sa buong mundo na hindi tayo ganyan as a people," ayon kay Trillanes.

Ang mga kaalyado ng Pangulo sa PDP-Laban ay nagpasa rin ng isang resolusyon na hinihimok si Duterte na tumakbo sa pagka-bise presidente pagkatapos ng kanyang termino. Ang ilan ay pinalutang din ang posibilidad ng isang tandem sa pagitan ng mag-ama.

Pinagsabihan ni Pangulong Duterte si Sara na huwag tumakbo, aniya, ang pagkapangulo ay hindi isang trabaho para sa isang babae.

Sinabi ni Sara Duterte, noong Enero, na wala siyang balak tumakbo sa pinakamataas na pwesto sa halalan sa susunod na taon.

Sinabi din ni Trillanes na sinusuri ng koalisyon ng oposisyon na 1Sambayan ang mga posibleng sitwasyon kung ang isang Duterte ay tatakbo sa pagkapangulo sa susunod na taon.

"We have factored in all different scenarios - kung tatakbo sila together, isa sa kanila or kung sinuman ang babasbasan ni Duterte we have factored that in," ayon sa dating senador.

Panoorin ang Video:

 

"Susubukan po talaga namin na hindi mangyari 'yan. Kasi kung manalo po 'yong anak, kung ano 'yong nararamdaman niyo ngayon ay ganito pa rin. Kung gaano kahirap 'yong buhay, baka lumala pa. Pababa na tayo, pabulusok na tayo pababa kaya sana ho ma-realize ng mga kababayan natin," pagpatuloy ni Trillanes.

Nauna ring iginiit ni Trillanes na ang 1Sambayan ang nag-iisang paraan para masiguro ng oposisyon ang isang tagumpay ngayong 2022.

Inihayag na rin ng 1Sambayan ang anim na nominees para sa pagka pangulo at bise presidente. Kasama sa kanila si Trillanes, kasama din sa listahan sina Bise Presidente Leni Robredo, Senador Grace Poe, mga Representatives Eduardo Villanueva at Vilma Santos-Recto, at abogadong si Chel Diokno.

Sinabi ni Trillanes na handa siyang hindi tumakbo sa darating na halalan, ang kanyang huling desisyon ay nakasalalay kay Robredo.
 

Basahin ang reaksyon ng mga netizens sa pahayag ni Senador Antonio Trillanes IV na dapat tumakbo si Pangulong Rodrigo Duterte o ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa 2022 national election upang makita silang talunan:
 



Source: gma network

No comments