Home Top Ad

Partido ni Duterte: ‘Hindi namin Siya Kinikilalang Acting President!’

Share:

Tinanggal mismo si Senador Manny Pacquiao ng kanyang grupo bilang acting President. Ito ang tiniyak ni Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) National President Atty. Rogelio “Bicbic” Garcia.

“We don’t recognize him as the acting president, so hence starting today naging bakante po yung national president,” sinabi ni Atty. Garcia sa isang pagpupulong sa Balitang Sapol sa Politiko Live. 

Noong Disyembre 2020, si Senador Koko Pimentel na noon ay ang pangulo ng partido ay nagbigay ng kanyang mga obligasyon kay Senador Manny Pacquiao, subalit hindi kinilala ng PDP-Laban ang kanyang hakbang.

“Hindi naming kinikilala yung naging acting president kuno yung taga GenSan na Senator Manny sapagkat ‘di namin alam kung totoong miyembro o hindi. Pangalawa wala namang karapatan ang nagbigay na pangalang president ng partido na si Senator Koko Pimentel, wala syang karapatan ayon sa aming constitution and standing rules,” paglilinaw pa niya.


“Siya po ang sal0t ng partido kung bakit nagkaganito. Naniniwala siya na mas lamang siya sa ating lahat,” sinabi niya, na tumutukoy kay Senador Koko Pimentel.

Nakatakda ang PDP-Laban na magkaroon ng National Assembly sa Hulyo 17, 2021, kung saan nilalayon nilang piliin si Speaker Lord Allan Velasco bilang Pangulo ng PDP-Laban.

“Antay lang po na mapagkasunduan ngayong araw na to na si Speaker Velasco na ihalal bilang acting president po ng Partido until he will be officially chosen in the public gathering meeting,” aniya.

Panoorin ang Video:

 

Basahin ang reaksyon ng ating mga netizens sa pahayag ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) National President Atty. Rogelio “Bicbic” Garcia:

Julius Sotero: Parang suntok ni Dinamita Marquez sa panga ni Pakyaw ang sinabi ng ka partido nya, tulog na tulog sa panaginip nyang maging presidente ng Pinas, paggising ni Pakyaw sigurado boksingero pa rin sya. Mag boxing ka na lang Manny, may sanda makmak na pera ka pang makukuha pagkatapos ng laban mo pero sa pagiging presidente ng pinas, mananaginip ka lang at pagising mo isa ka pa ring boksingero.
 


No comments