Home Top Ad

'Maraming bagay na sinasabi to create smokescreen, para lumabo ang mga mata ninyo' — Yorme

Share:

Hiniling ni Manila Mayor Isko Moreno sa kanyang mga nasasakupan na samahan siya upang labanan ang iba`t ibang mga krisis, kasama na ang C0v1d19 pand3mya, at isang tila pagtukoy sa halalan ngayong darating na 2022.

Sa kanyang live broadcast noong Martes, ipinahiwatig ni Moreno na walang magiging kalaban kung ang mga tao ay magkakaisa anuman ang kanilang kaakibat sa politika. “Samahan ninyo ako, maglayag tayo, tingin ko ‘pag tayo nagsama-sama — anyway at the end of the day iisang bangka tayo — tingin ko, ‘pag layag natin sa mga alon, bagyo, unos and so on and so forth basta’t sama-sama tayo at nagkakaisa tayo? Kahit ano pang partido nila,” ayon kay yorme.
 

“Eh ‘yon namang partido nila ano naman ‘yon eh, away lang ng mga pulitiko ‘yon eh. Tayo, tao, mamamayan, umaasa sa pamahalaan, ‘yan ang focus natin, ‘yan ang thrust natin,” dagdag pa niya. 

Lumabas na hindi nasisiyahan si Moreno sa kasalukuyang administrasyon sa paghawak nito sa C0v1d 19 pand3mic cr1sis, na kinukwestyon kung paanong ang mga variants ay nakapasok sa bansa na para bang pinagsama-sama ng mga awtoridad ng Pilipinas ang mga Greek letters sa isang fraternity.

“Bakit nakapasok ang Delta variant sa Pilipinas? Nakapasok ‘yong Alpha, nakapasok ‘yong Beta, nakapasok ‘yong Delta, ang susunod na n’yan ‘yong Lambda, o Tau Gamma, o kung ano man, lahat na siguro ng frat3rnity n’yan eh pwede nang pumasok,” ayon pa kay Moreno.

Ayon sa alkalde, sa halip na direktang tugunan ang mga problema, ang gobyerno ay tila nagpaparamdam ng ibang isyu upang maitago ang mas importanteng mga isyu.

“Ito’y personal kong paniniwala kasi hindi naman ‘to natin naririnig sa mga ahensya ng gobyerno, mas marami silang sinasabing ibang bagay to create smokescreen, ang ibig kong sabihin ng smokescreen, ay ‘yan ‘yong para malito ‘yong mga tumitingin, para lumabo ang mga mata ninyo,” pagpapaliwanag ng alkalde.

Bukod sa mga bagay na ito, tinalakay din ng alkalde ang posibilidad ng variant na Delta na kumalat na sa metropolis. Gayundin, pinaalalahanan niya ang mga tao na magpabakuna ng c0v1d19 sa kabila ng malakas na ulan at pagbaha.

Sa kanyang huling State of the Nation Address (Sona), sinabi ni Pangulong Duterte na may isang local government unit (LGU) na hindi niya pinangalanan, ay hinayaan ang mga tao na pumila para magpabakuna sa kabila ng malakas na pag-ulan.
 

Kahit hindi pinangalanan ni Pangulong Duterte ang lugar na kanyang tinutukoy, ipinakita sa mga ulat na sa Maynila, ang mga tao ay kailangang dumaan sa tubig baha upang magpabakuna.

Sinabi ni Moreno na ang kanyang adbokasiya para sa pagbabakuna ay sinusuportahan ng agham at hindi lamang sabi-sabi.

“Remember we continue to campaign for you to get vacc1nated, and that is important. Why? Because hindi naman pwede na huhulaan na lamang natin at magke-kwentuhan tayo sa gabi, at magbobolahan tayo ng mga tao natin at ipakikita natin sa tao as if it is okay,” aniya.

“But we know for a fact it’s not okay. So hindi pwedeng hinuhulaan na lang natin, we really have to come up with an objective,” dagdag pa niya.
 

Si Moreno ay kasalukuyang isa sa mga frontrunners para sa halalan ngayong 2022, kasama sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, dating senador Bongbong Marcos, Senador Grace Poe, at Senador Manny Pacquiao.

Ayon sa survey ng Pulse Asia noong Hunyo 2021, nasa ikalawa si Moreno, kasunod ni Duterte-Carpio na nangunguna. Gayunpaman, ang lokal na opisyal ay hindi pa nagkumpirma kung tatakbo ba talaga siya sa pagka presidente ngayong darating na 2022.

Basahin ang reaksyon ng ating mga netizens sa pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno sa kanyang mga nasasakupan:
 





Source: inquirer

No comments