
Ayon kay Atty. Trixie Cruz-Angeles ng Luminous, bakit kailangan maging negatibo, gustong mapabagsak ang ekonomiya ng bansa at gustong isipin ng mga Pilipino ang ideya ng kawalan ng pag-asa?
Nilinaw ng abogado sa Megastar na walang sinumang nagsabi na maganda ang kanyang buhay ngayon, lalo na sa panahon ng pandemya. "Ms. Cuneta, no one is saying that life is good or even normal. No one is saying that jobs have returned. We are still in a pandemic and by all accounts this means that economic recovery is still far off."
Gayunpaman, ang 11.8% rate growth na nai-post ng PH Economy ay isang magandang pakiramdam sa mga Pilipino dahil kahit nasa kalagitnaan tayo ng pandemya, nakikita nating may pag-asa pa.

Kahit saang anggulo mo pa ito tignan, ito ay maituturing na mabuting balita dahil may kakayahan tayong makarecover kahit na may delta na nagbabadya sa publiko at posibleng baligtarin ang maliliit na bagay sa mata ng mga kritiko.
"By any interpretation this is still good news. Not the best. But we are getting better. Even with the delta variant possibly reversing things, this means we are capable of recovering."
Dito, tinanong ni Atty. Trixie si Ms. Cuneta sa kadalasang tanong ng mga Duterte Supporters sa Megastar kung bibigyan ang mga ito ng pagkakataon. "Why can’t you be happy for this? Are you so eager to bring down this country that you want to push the idea of hopelessness? Wag naman po. We know you are better than that."
Basahin ang reaksyon ng mga netizens sa pahayag ni Atty. Trixie Cruz-Angeles ng Luminous kay Megastar Sharon Cuneta:



No comments