
Nagbigay ng kanya kanyang komento ang mga Duterte Supporters sa pahayag ni Senator Manny Pacquiao na sumasamo sa mga botanteng Pilipino na bigyan ang 'uneducated leaders' ng pagkakataon na mamuno sa bansa.
Sinagot ni Atty. Trixie Cruz-Angeles ng Luminous ang pahayag ni Pacquiao sa pamamagitan ng pagpapaalala sa boksingero na naging pulitiko ang maraming landmark laws at reporma sa ilalim ni Pangulong Duterte (isang abogado), ay mga programang kinakailangan upang mahinto ang paikot-ikot na kahirapan sa bansa.
"Eto po ang nangyari: Free Tertiary Education. Tax Reform. Universal Health Care. Pinatupad ang land reform at dinistribute yung - yung totoong distribution. Ang mga programang ito ay mga programang kailangan para basagin na ang kahirapan." ayon sa abogado.

Samantala, hindi napigilan ng News5 Radio Host at Lawyer na si Bruce Rivera na pag-isipan si Pacquiao na may messianic complex, ito ay isang mapanganib na katangian ng isang pinuno.
"Messianic complex is a dang3rous trait of a leader." ayon kay Atty. Rivera. Biglang natanong ng abogado kung si Pacquiao lamang ang politiko na may puso? Kumusta naman ang saging na kinakain ng isang Madame? 'At siya lang ang may puso? Paano yung saging na kinain ni Madame?'

Ayon pa sa abogado, bakit hindi nalang mag resign ang boksingerong senador ng kanyang posisyon sa senado na ibinigay sa kanya ng publiko dahil sa kanyang kasikatan, at hindi dahil sa kanyang kakayahan.
'Paano sasarap ang bulalo? At saan ka reresign? Sa pagka-Senador? Ano, magreresign ka sa position na binigay sa yo ng tao dahil sa katanyagan mo at di dahil sa kakayahan. At iisipin mong magresign sa isang trabaho di mo na nga kinakaya.'
Dagdag pa ni Atty. Rivera, si Isko ang artista ngunit bakit si Pacquiao ang nagda-drama? 'Tsaka si Isko ang artista. Bakit ikaw ang nagdadrama?'

Basahin ang reaksyon ng mga netizens tungkol sa sagot nina Atty. Trixie Cruz-Angeles ng Luminous at Atty. Bruce Rivera tungkol sa pahayag ni Senator Manny Pacquiao na pumili ng 'uneducated leaders' para mamuno sa bansa:


No comments