
Ito ang naging pahayag ng Manila Bulletin Writer na si Krizette Laureta Chu at iba pang Duterte supporters pagkatapos matalo ni Manny Pacquiao kay Yordenis Ugas. Naniniwala si Chu na kailangan matalo si Pacquiao para magsilbing eye-opener para sa kanya, upang makita niya ang kanyang mga pagkakamali. Hindi ka basta-basta magsisinungaling at mawalan ng respeto sa mga tao dahil sa iyong ambisyon.
Sa kanyang pagkatalo, sinabi ni Chu na tiyak na nabawasan ang kanyang ambisyon na tumakbo sa pagkapangulo at baka na-realize niya kung sino talaga ang kanyang mga totoong kaibigan, manalo man o matalo.

Paulit-ulit na binanggit ni Chu ang salitang NEED upang bigyang-diin na kailangan ni Pacquiao matalo para mapagtanto niya ang ilang mga katotohanan tungkol sa tagumpay. Tulad ng sinasabi nila, “Success has many fathers, but failure is an orphan” He NEEDED this loss. He NEEDS to prune people from his life. He NEEDS to go back to his roots and he NEEDS to realize some truths about victory."
Inihambing ni Chu ang kanyang damdamin ng isang ina na pinapanood ang kanyang anak na nabigo pero may kaunting saya din dahil kailangan niyang matuto sa kanyang kamalian at maging isang mabuting tao. Sa madaling salita, "Pacquiao needed to eat humble pie."
"It’s like having a child and seeing your child fail and not being happy with their failure but knowing it was necessary to teach him a lesson that would make him grow to be a better person. That’s how I feel about Manny. He needed it as we all need humbling sometimes. Pengeng Hermès."



No comments