Home Top Ad

"Rep. Bautista's family in the South are not just rich, they are very very rich!" — Veteran Journalist

Share:

Nagpost sa kanyang facebook ang beteranong mamamahayag na si Jay Sonza upang ipagtanggol ang mambabatas mula sa Davao na kamakailan lang ikinasal at tumanggap ng batikos mula sa mga netizens lalo na sa showbiz personalities.

Ayon kay Sonza, walang batayan ang mga komentong ito. "They are either stupid or ignoramus. This refers to the uncalled and unfounded comments of showbiz personalities on the wedding of Rep. Dendee Bautista."

Sinabi ni Sonza na kung hindi ba naman ta*nga itong sina Ogie Diaz, Agot Isidro at mga katulad nito, hindi sila dapat gumawa ng ganoong pahayag na pinupuna ang engrandeng kasal ni Rep. Bautista at pinasaringang ginamit ang pondo ng party-list sa kanyang kasal.

"Kung hindi ba naman ta*nga at kalahati itong sina Ogie Diaz, Agot Isidro, at kung sino pang mga nagmamagaling na artista na nagpasaring na iyong partylist representative ng isang driver organization ay masyadong bongga ika ang kasal at baka ika ginamit pa ang pondo ng kanyang partylist sa kasalan."


Sinabi ni Sonza na baka magsisisi ang mga showbiz personalities na ito sa kanilang pinagsasabi laban sa isang tao na hindi talaga nila gaanong kilala.

"Hindi ako magtataka kung kaso ang aabutin ng mga ito sa malapit na hinaharap. Because I dont think the Bautista Family of Davao Occidental will simply roll and die after those nasty comments from these talkers of the Katol Network."

Nagpatuloy si Sonza upang bigyan ng ideya ang mga netizen tungkol sa pamilya ng party-list representative na inakusahan lamang ng mga showbiz peeps na ginamit ang pampublikong pondo para sa kanyang kasal.

"Para sa kabatiran ng lahat, Rep. Bautista’s family in the south are not just rich, they are very very rich. The mother of Ms. Dendee is the daughter of Don Enying Deriquito of Hagonoy, Davao del Sur, probably the richest man in this part of South Davao. The father of the lady solon is the governor of Davao Occidental, an haciendero and owner of several businesses in the south."


Hindi na idenitalye ni Sonza kung gaano kayaman ang dalawang pamilya ngunit sinigurado niyang makakaya nila ang isang engrandeng kasal.

"I will not elaborate on the wealth of these 2 families. They are super rich and can very well afford a grand wedding. They too are family of well educated people (lawyers, educators, economists, corporate executives). "

Ayon pa kay Sonza, na marahil ay naisip ni Enchong Dee na ganun lang kadali ang ABS-CBN franchise renewal kung kaya't gumawa ito ng libelous na komento.

"Akala siguro nina Enchong Dee na ganoon ganoon lang itong nemesis ng ABS-CBN Broadcasting Corporation franchise renewal kaya napakalibelous pa naging comment ng bruha."


Tinapos ni Sonza ang kanyang post sa pamamagitan ng isang babala sa mga showbiz personalities na ihanda ang kanilang sarili at ang kanilang abogado para sa resbak ng pamilya.

"Hihanda na ninyo ang inyong mga sarili sa mga paparating na kaso at buwelta ng pamilya."

Ang post ni Sonza ay nakalikha ng 5,700 reaksyon, 641 komento at 382 shares and counting.


Basahin ang reaksyon ng mga netizens tungkol sa post ng beteranong mamamahayag na si Jay Sonza hinggil sa kung gaano kayaman ang pamilya ng mambabatas na ikinasal at binabatikos ng mga artista:



Source: Jay Sonza


No comments