Home Top Ad

Tweet ni Lacson na 100k debt sa isang Pilipino, tinawag na Agitation of Propaganda!

Share:

"Peeps, eto ang isang classic example ng AGITPROP o AGITATION PROPAGANDA.." Ganito inilarawan ng Radio Host na si Mark Lopez ang tweet ni Senator Ping Lacson kamakailan.

Ayon kay Lopez, kulang sa konteksto ang tweet ni Lacson at ang layunin lamang ay mabigla ang publiko at ipakita na ang bansa ay lubog na sa utang. "Itong tweet na ito is bereft of context, and ang sole purpose lang is gimbalin ang taumbayan at palabasin na super lubog na tayo sa utang."


Tinawag ni Lopez na kasinungalingan ang tweet ni Lacson. Ayon pa kay Lopez, totoo na ang ating debt portfolio ay tumaas, kitang-kita naman sa ating mga proyektong pang-imprastraktura na naging priyoridad ng kasalukuyang administrasyon dahil ang ating bansa ay napag-iwanan na ng mga karatig bansa.

"Which is really not true at all. In a nutshell, while lumaki nga ang ating debt portfolio, makikita mo naman na tinumbasan ito ng naglalakihang infrastructure na ginawang priority ng Duterte Admin dahil na rin ANG PILIPINAS ay NAPAG IWANAN NA!"

Ginamit ni Lopez ang simpleng paliwanag ng Dept. of Finance, na kagaya ng matagumpay na mga negosyo, lumaki ang kanilang mga utang dahil nakita nila ang isang pagkakataon na mapalago ang kanilang negosyo. Bakit? Sapagkat nilalapitan sila ng mga bangko at nag-aalok ng financing dahil nakikita nila ang potensyal, at alam nila na ang negosyong ito ay may kakayahang magbayad sa tamang oras.

"Sabi nga sa isang simpleng paliwanag ng Department of Finance, gaya ng isang matagumpay na negosyo, lumalaki din ang utang nito dahil nakikita na ang opportunity para lalung mas umasenso. And mismo mga bangko ang lumalapit para mag alok ng financing dahil nga nakita nila ang potential, at alam nila na kahit pautangin ay kaya nito makabayad sa tamang oras." 

Sinabi ni Lopez na ang tweet ni Lacson ay kahawig sa lumang tweet na nagtatanong kung nasaan na ang bakuna, isang taktika na ang hangarin ay lumikha ng galit galing sa publiko laban sa gobyerno.
 

"Pero gaya nung isa nyang naunang tweet na “Nasan Ka Bakuna?” itong banat ni Ping Lacson ay isang pananakot lang at pampagulo, at ang tanging layunin ay mag create ng misplaced anger o rage ang taumbayan sa kasalukuyang gobyerno."

Tinawag ni Lopez ang tweet na iresponsable na nagmula sa isang iresponsibleng politiko at isa sa mga nag-ambag na gawing maputik at magulo ang diskurso.

"Itong ganitong iresponsableng tweet ng isang ambisyosong politiko eh isa sa mga nag aambag sa kalituhan at kaguluhan sa diskurso, at ito ang ginagawang bala ng mga woke at ng mga disente para makapuntos against the admin."

Sa madaling salita, ang tweet ay isang panloloko upang lokohin ang mga tao, na magagawa lamang ng isang pulitiko na walang malasakit para sa kapakanan ng publiko.

"In short, ito ay panloloko at panlilinlang sa taumbayan, na kaya lang gawin ng isang politiko na wala talagang malasakit sa ating kapakanan. This does not deserve our vote."

Basahin ang reaksyon ng mga netizens tungkol sa tweet ni Senator Lacson kung gaano na kalubog sa utang ang ating bansa:
 



Source: Mark LopezNews


No comments