Home Top Ad

"Hindi na lang ako papatol" — Sagot ni Robredo sa Hiyaw ni Yorme laban sa Kanya

Share:

Tumugon si VP Leni Robredo sa hiyaw ni Mayor Isko Moreno, ayon sa ABS-CBN, ngunit sa kalmadong salita. Ayon kay VP Leni, ayaw na niyang pumatol sa kung ano man ang sinasabi ni Mayor Isko dahil mas malaki ang mga problemang dapat harapin.

Ayon pa sa kanya, ang isang pagpapalitan ng mga salita o tugon patungkol sa mga nakaraang tirada ni Mayor Isko laban sa kanya ay walang mapupuntahan. "Ayoko nang pumatol kasi mas malaki ýung mga problema natin. Tingin ko wala naman itong mapupuntahan," ayon kay VP Leni. "Gaya ng sabi ko, hindi lang kay Mayor Isko, ang dami kong nilapitan para maghanap ng avenue para magkaisa, kaya nga ako naghahanap ng pagkakaisa kasi gusto natin na focused tayo sa tunay na kalaban. So hindi na lang ako papatol," dagdag pa niya.
 

Matatandaang naglabas ng maasim na salita si Mayor Isko laban kay VP Leni matapos niyang sabihin ang dahilan kung bakit hindi sila nagsamang magtrabaho, tinawag nya si VP bilang isang pekeng pinuno, ayon sa ulat ng Rappler.

Isang ulat rin sa CNN ang nagsiwalat ng isang katanungan na tinanong ng Aksyon Demokratiko. Tinanong ng partido, "If Robredo doesn't like Isko's stand, why did she push for a Moreno-Pacquiao tandem?"

Si Maria Leonor Gerona Robredo, na mas kilalang Leni Robredo, ay kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay isang abugado at social activist. Siya ay balo ng yumaong Interior Secretary Jesse Robredo, at mayroon siyang tatlong anak na babae.

Inilabas ng kampo ni VP Leni Robredo sa press ang mga pangalan ng line-up ng senador. Ang mga pangalan sa listahan ay kaagad lumikha ng ingay sa social media dahil kasama dito ang mga dating magkalaban na nakilala pa sa mga pampublikong spats sa nakaraan.

Ang listahan ay binubuo ng isang dating bise presidente, mga namumuno sa lipunan, nanunungkulan at nagbabalik na mga senador, pati na rin ang dating kongresista. Kahit na siya ay kasalukuyang nakaupo bilang chairman ng Liberal Party, si Leni Robredo ay nagpasyang tumakbo bilang independente.

Si Mayor Isko Moreno naman ay isa sa pinag uusapan ngayon sa social media dahil sa kanyang mga tirada laban kay VP Leni Robredo. Inakusahan niya si VP Leni na tumatakbo sa pagka pangulo dahil lamang sa mga Marc0s at ginamit pa ang salitang yellowtards.

Basahin ang reaksyon ng mga netizens sa kalmadong tugon ni VP Leni Robredo sa hiyaw ni Mayor Isko Moreno laban sa kanya:

No comments