

Tinanong ni Reyes kung bakit ngayon lang si Kiko kumukuda tungkol sa mga Pilipinong nagugutom na para bang kakaiba ang ganitong sitwasyon sa administrasyong Duterte?
Aniya, kung si Kiko at mga kapwa Dilawans ay marunong mahiya, dahil noon, may kakayahan silang maglaan ng pera upang magtayo ng mas maraming mga ospital, pera para sa mga health workers, pinatibay sana nila ang science at teknolohiya at nagpasa ng isang batas na partikular para sa pand3mya, di na sana nagmamakaawa ang ating bansa ng mga bakuna para sa mga Pilipino.
Sa madaling salita, sinabi ni Reyes na si Kiko at ang kanyang partido sa politika ay paulit ulit na nabigo sa loob ng ilang dekada kaya wala silang karapatang magreklamo dahil mayroon silang mga pagkakataon pero hindi nila ginawa.
Tinapos ni Reyes ang kanyang post sa pamamagitan ng pag-iwan ng mensahe para kay Kiko at mga kapwa Dilawans na: 'Meanwhile, this current admin is moving heaven and earth to protect the people despite limited resources – that, while you continue to “dream” and “sell your dreams” to the people.
Basahin ang buong post ni Reyes:
AFTER 33 YEARS, FINALLY! 1988 noong pumasok ka sa pulitika at naging parte ng gobyerno bilang City Councilor. Dalawang dekada naman (20 years!) in a nat’l position bilang senador at myembro ng gabinete.
Aba’y napakatagal nyo na po sa gobyerno at milyon milyong pondo (pork, pdaf, dap, etc) na rin ang dumaan, ang tanong: Ilang libong katao na po kaya ang nabigyan ng maayos na trabaho at sapat na kita at pagkain ng dahil sa inyo?
Bakit sa mahigit na tatlong dekada (30 yrs) ninyo sa gobyerno ay napakarami pa ring mahihirap? Sa mga panahong kayo at ang LP ang namamayagpag at nasa rurok ng kapangyarihan, ano po ba ang ginawa nyo at hindi nyo ginawa? Bakit di nyo naibsan noon ang gutom ng mga Pilipino at di nyo sila nabigyan ng mas magandang kabuhayan?
Bakit ngayon lang kayo kumukuda na para ba’ng ngayon lang nakaramdam ng gutom ang ilang mga kababayan? Di nyo man lang ba naisip na kung mahusay sana ang pamamalakad nyo noon eh di sana wala na’ng nagugutom ngayon?
Di ba kayo nahihiya na kung sana may foresight kayo noon, sana napaghandaan, nakapaglaan ng budget para sa mas maraming ospital at healthcare workers, pinalakas ang science and technology, at nakagawa ng mga kaukulang batas (sa kung paano harapin ang pand3mya), eh di sana ay hindi tayo ngayon nagmamakaawa para sa bakuna at di kayo kuda ng kuda.


Basahin ang reaksyon ng ating mga netizens sa mensahe ni Reyes para sa tatakbong VP na si Sen. Kiko Pangilinan at mga kapartido nito:


No comments