
“Buong buo ang loob ko. Kailangan palayain ang sarili mula sa kasalukuyang sitwasyon. Lalaban ako. Lalaban tayo.” – Leni.
Watch the Video:
Here are the reactions of some personalities to VP Leni’s declaration;
Wendy Pan: “Handa dapat tayong iwaksi ng buong buo ang mga mali, ang mga agenda, interes, tao at klase ng politika na sanhi ng pinagdaraanan natin ngayon. Kung nakikipagkompromiso ka, kung di mo man lng kayang sabihin na mali ang mali, nakaninong panig ka ba talaga? Nasa panig tayo ng mga taong sinasagad ang lahat para iraos ang sarili, pamilya at kapwa mula sa pandemyang ito. Pamilyar sa ating lahat ang pagiging nasa laylayan..” Yan ang dahilan bakit walang ibang napili si Leni, walang ibang taong buong pusong pinunto sa gobyernong ito kung ano ang tama at mali sa mga nangyari at nangyayari, dahil lang sa takot ng pambubulya ng publiko. Kung bigla kang naghirap at naghihirap pa ngayong pandemya o kahit dati pa, tandaan mo hindi alam ng ilang politiko ang hirap ng pagiging nasa laylayan—paano nila iipapatupad ang mga programa ng bansa na makakaapekto sa’yo? Kailangan mo ng tamang tao. Sa tamang pagsearch ng Google at pagtatanong sa tamang tao, makikita mo na nasa tama ang puso at gawa ng nanay at abogado at lider na ito.


RA Guang: ZERO vote ka sa amin Leni, dahil sa speech mo wala ka man lang nabanggit sa mga criteria na ito. Continous f1ght ill3gal dr*gs.. Continous f1ght against NpA and other terr0r groups that may cause security crisis in Philippines.. Have a plan for Philippines 10 years from now.. A campaign program in Climate Change (di ko nakita ito kina Robredo, Lacson, Pacquiao, at Isko).. No to Sweet Talking (Pa-Disente).. Having a program to teach filipino to be more productive( turuan ang pilipino paano kumita hindi ang umasa).. May plano sa 2022 new normal base on our pand3mic situation.. Philippines first before Westerners.. Improve nation's defense equipment and training.. To f1ght against c0rruption and poverty, he or she have plan regarding Federalism.. Accepting more investors to create more jobs.
Orlando Necesito: Madaling malason ng mga politiko mga Pinoy. Napakahilig kasi natin sa fanfare, fiesta and circus. After election balik uli sa normal na buhay, umaasa na tutuparin ng mga panalong candidates ang mga sinabi nila during campaign period. Panahon nanaman ng retokehan ng pictures, mas batang tingnan, mas maganda at mas guapo sa foto mas maraming boto. Ganoon kababaw. Boboto dahil sila ay fans ng politiko, dahil sa personality. Dahil sa popular kahit alam nilang empty/ampaw.
Source: GMA News, Manuel Mejorada
No comments