
Singson also spoke about the possible outcome of Pacquiao's run in the 2022 presidential election. “Nasasayangan lang ako kasi, magastos na tao. ‘Yung naiwan na pera niya (Manny Pacquiao), mauubos ‘yun pagtakbo niyang presidente. Kawawa ang pamilya niya,” added Chavit.
Watch the Video:
Read the reaction from the netizens on Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson's opinion on the health of Presidential aspirant Senator Manny Pacquiao:
Jose Teddie Del Rosario: May kabutihan din naman dulot kay Manny Pacquiao ang awa ni Sir Chavit, kung ako si Pacquiao, bakit ako gagastos ng malaki ng hindi naman kailangan, talagang importante malinis ang konsensiya niya na totoo gustong maglingkod sa bayan at hindi para mamuhunan sa negosyong politikal, isa pa ang "Destiny" ng isang tao ay lubos na kaloob ng Diyos, kaya huwag dapat itung haluan ng suhulan at mga pandaraya, manalo lang sa mga botohan patungkol sa issue ng politika.
Zubaida Rakmana: Mas mabuti pa Manny itulong mo nalang ang pera mo sa mga taong mahihirap kaysa mapunta sa mga nagsulsul sayo. Pera lang ang habol sayo ng lahat ng nakapaligid sayo. Ginawa ka lang nila pang sabong sa mga kalaban mo sa politiko. Pag natalo ka, balik sa dati mong pinanggalingan, magisip isip ka Manny, hindi pa huli ang lahat. Sara for next president 2022.
Beatriz Pergamino: Naku huwag na kayong mag advice kay Manny Pacqiao. Lumaki na ang ulo nyan, na wala sa lugar. Gawin siyang uto uto sa mga line up niya. Tingnan natin pag natali siya, kung may kaibigan pa siyang matira pag maubos na ang pera nya. Alam na natin na pag sikat at maraming pera, marami kang kaibigan at kamag anak na kakilalang mga parasite, mga taong sisipsip at didikit sa iyo parang mga linta, ayaw niyang makinig sa mga advice ng totoong kaibigan nya. Good luck nalang Manny kay solid bbm at duterte kami.
Nhor Quinale: Ang mali ni Manny, lagi nya ginagamit ang pangalan ng dios pero mali naman diskarte nya. Yes totoo, sinabi ni sir chavit, waldas ng waldas si Manny ng pera, di nya iniisip di sya magtatagal sa boxing. Sana nagpatayo sya ng mga negosyo para maraming mga tao ang mabigyan nya ng trabahu at magkaroon din sya ng trabahu lagi at mga tao din may trabahu lagi. Pagawa sana sya ng mall, malalaking grocery, mga botica, nagpatayo sana sya ng sarili nyang gym for boxing. Maraming bahay na paupahan or condo, dapat puro business ginawa nya. Ngayong tatakbo sya bilang presidente, waldas na naman ng pera, naku pababa ng pababa na si Manny. Feeling ko kasi naging suwail na din sya sa nanay nya, di na sya nakinig. Puro nalang kasikatan ang iniisip nya. At ang puso nya lagi nalang may galit. Kaya hinila na sya pbaba. Malaki ang gastos mo tapos magkano lang sahud sa pagka presidente? Saan ka makabawi sa mga ginastos mo? Kaya mag ingat sa pag bigkas sa pangalan ng my likha. Dahil ang pngalan nya ay hindi basta basta bigkasin kung ang puso mo ay may galit sa ibang tao. Dahil ang may likha ay maawain, mahabagin, mapagkumbaba, at higit sa lahat mapaparusahan ka kapag binigkas mo pangalan nya sa pansariling interest o ikasisira sa kapwa mo.
MacoyCathy Esguerra: Ewan ko ba anong nangyari dyan kay peoples champ, ang dami ng taong nagmamalasakit sa kanya na wag na syang tumakbo ng presidente, ayaw nyang makinig, dahil talagang wala syang kapanapanalo, totoo nga ang sinasabi ni mayor chavit, sayang ang perang gagastusin nya sa pangangampanya dahil talagang wala syang kapanapanalo, kumbaga sa sabong si peoples champ wala syang tari, hayaan nalang natin sya.
Source: Usaping Bayan, SMNI
No comments