Home Top Ad

Panoorin: “Kasalanan nung tatay, bakit magiging kasalanan ng anak? Dapat hindi ganun." — Raffy Tulfo

Share:

Tinanong si Raffy Tulfo ni Karen Davila sa "Headstart" ng ANC tungkol sa panawagan para sa kandidato sa pagka pangulo na si Bongbong Marcos, na humingi ng paumanhin para sa mga paglabag sa kat1walian at karapatang-tao na naganap sa panahon ng diktadurya ng kanyang yumaong ama na si Ferdinand Marcos.

Ayon kay Tulfo, walang dapat ihingi ng paumanhin si Bongbong dahil ang mga kas@lanan ay hindi niya ginawa, kundi ng kanyang ama. Dagdag pa ni Tulfo, nakikisimpatiya siya kay Bongbong sapagkat naranasan din niyang ma-bash nang gumawa ng pagkakamali ang mga miyembro ng kanyang pamilya. 

Sinabi ng kandidato sa pagka senador na dapat bigyan ng publiko ng pagkakataon si Bongbong na mapatunayan na naiiba siya sa kanyang ama.

Ayon sa ulat ng World Bank-United Nations Office on Dr*ugs and Crim3’s St0len Asset Recovery, kinolekta ni Ferdinand Marcos at ng kanyang mga tauhan ang higit sa P500 bilyon na 'ill-gotten wealth'. Narekober ng Presidential Commission on Good Government ang kabuuang P170 bilyon mula sa bilyun-bilyong sinamsam ng diktador at ng kanyang mga tauhan.

“Kasalanan nung tatay, bakit magiging kasalanan ng anak? Bakit yung kasalanan ng kamag-anak ipinapasa sa isang kamag-anak? Because I myself [have] been a v1ctim of that. Just because nagkaroon ng isyu yung mga kapatid ko na kaapelyido ko, pati ako nadadamay. Dapat hindi ganun. "Give the other relative na walang kinalaman sa kaso a chance na para maprove ang sarili niya,” ayon kay Tulfo.

Panoorin ang Video:


Si Raffy Tulfo ay isang mamamahayag at host ng programang Raffy Tulfo in Action. Pinakatanyag ang kanyang programa sa YouTube na may milyun-milyong mga subscribers. Ang kanyang Youtube channel ay isa sa pinaka matagumpay sa Pilipinas, na may higit sa 21 milyong mga subscriber ngayon.

Naging mahal siya ng publiko dahil tinutulungan niya ang mga ordinaryong tao na makakuha ng hust1sya laban sa mga taong nanamantala sa kanila.

Nagtatampok din siya ng mga kilalang tao at mga artista sa kanyang iconic na programa. Nagreklamo si China Roces tungkol sa kanyang partner na si Tim Sawyer, ngunit natulungan ni Raffy ang dalawa na mag-reconcile.

Isa pang high-profile na kontrobersiya ang nagawan ng solusyon ni Raffy Tulfo na maayos ang kanilang mga isyu. Sina John Regala at Chuckie Dreyfus din ay nakahanap ng kapayapaan sa pamamagitan ni Raffy matapos silang magpalitan ng mga paratang laban sa bawat isa sa isang palabas. 

Basahin ang reaksyon ng mga netizens tungkol sa sinabi ni Raffy Tulfo na walang dapat ihingi ng paumanhin si Bongbong dahil ang mga kasalanan ay hindi niya ginawa, kundi ng kanyang ama:
 




Source: Headstart ANC

No comments