Home Top Ad

Panoorin: 'Kinakapos daw' — Presidential candidate, nagbebenta na umano ng mga ari-arian sa Gensan

Share:

Tinalakay ni Cristy Fermin, sa isang episode ng Cristy Ferminute, ang narinig niya tungkol kay Sen. Manny Pacquiao mula sa kanyang source. Aniya, nabalitaan niyang nagbebenta na raw ngayon ng mga ari-arian ang senador sa Gensan.

"Balitang-balita sa south ito, sa Gensan, na nagbebenta raw ng mga properties si Sen. Manny Pacquiao. Nagbebenta raw ng bahay, ng mga lote na nabili nila. Ganun. Ang interpretasyon ko naman dun, hindi sa anupaman, baka dun nya kukunin yung gagamitin niya sa kampanya. Di ba? Baka yung naiipon naman nila ay itinabi na talaga, naka time-deposit na para sa kanyang pamilya at kinabukasan nila. "Yun naman ang interpretasyon ko," ayon kay Cristy. "Pero parang hindi naman ganun yung interpretasyon ng nagkwento." "Parang kinakapos daw. Naaalala ko tuloy si Gov. Chavit Singson." 'Mauubos' ang pera niya, matatalo pa siya. Di ba? Yun yung sinabi."

Panoorin ang Video:

 

Si Sen. Manny Pacquiao ay tumatakbo bilang Pangulo sa 2022 election. Ang kanyang running mate ay si Cong. Lito Atienza.

Si Cristy Fermin ay isang beteranong kolumnista sa showbiz. Isa siya sa mga host ng Take It Per Minute at siya ang pangunahing host ng Cristy Ferminute.

Mahaba ang naging diskusyon ni Cristy tungkol sa viral interview ni Kylie Padilla. Isa sa mga nakakuha ng atensyon sa beteranong showbiz columnist ay si Jessica Soho. Sinabi niya na naawa siya sa 'experienced interviewer'. Ayon kay Nay Cristy, hindi nakuha ni Jessica ang maaaring gustong marinig ng audience mula kay Kylie, na inilarawan ito bilang "di napasuka."

Panoorin ang Video:

 

Nagkomento siya sa mga pahayag na ibinigay ni Kylie sa nasabing panayam. Nabanggit tuloy ng beteranong columnist ang pahayag ni Kylie tungkol kay AJ Raval at ipinahiwatig nito na hindi siya naniniwala sa pahayag ni Kylie laban kay AJ.

Basahin ang reaksyon ng mga netizens sa sinabi ng beteranong kolumnista na si Cristy Fermin na nagbebenta na raw ngayon ng mga ari-arian si Presidential Candidate Manny Pacquiao sa Gensan:
 



Source: onephgma

No comments