

Gayunpaman, hindi sang-ayon kay Justice Carpio ang mga abogado sa likod ng FB page na Luminous na sina Atty, Trixie at Atty. Ahmed.
Binanggit ang Omnibus election code, sinabi ni Atty. Trixie na ang isang indibidwal ay maaari lamang madiskuwalipika sa loob ng 5 taon kung siya ay nahatulan ng isang kr1men na may kinalaman sa moral turpitude.
Basahin ang buong post ng Luminous by Trixie Cruz-Angeles and Ahmed Paglinawan:
Sabi ni Justice Carpio maaaring ma disqualify daw si BBM dahil hindi ito nag file ng income taxes nuong 1982-1985. Hindi kami sangayaon.
Ayon sa Omnibus Election Code madidisqualify ng limang taon ang isang kandidato sa eleksyon kapag ito ay nahatulan ng parusang higit sa 18 months o na convict sa isang krimen na may moral turpitude. Ang ibig sabihin ng moral turpitude ay yung krimen na sobrang sama (“an act of baseness, vileness or depravity”).
Dahil mismong Supreme Court ang nagsabing napalawal ng depinisyon ng moral turpitude, ina-identify nito ang mga specific crimes na may ganun tulad ng graft, libel, rape, abduction, concubinage, bigamy, robbery, murder, theft, perjury, fencing, forgery, intriguing against honor, at iba pa. Di po kasama dito ang failure to pay taxes.
Ayon kay Justice Carpio, maaaring gawing argumento na masama nga ang ilang beses na di nag file ng income taxes. Kaya niya sinasabi yun, ay dahil sa ngayon, walang batas o juriprudence na nagsasabing may moral iyon. Kaya “a cse can be made for…” that lang.
Tila nagpapahiwatig si Dating Justice Carpio, na pwede pang kasuhan ng disqualification si BBM. Eto ang problema. Matagal na po yung kaso. Matagal nang nahatulan at ilang beses nang tumakbo si BBM sa ibat ibang posisyon sa gobyerno. Tapos ngayon nila kakasuhan kung kelan malakas at may pagkakataong manalo sa halalan? Di naman kaya masyadong halata? Mahina.
Panoorin ang Video:
Basahin ang reaksyon ng mga netizens sa paliwanag ng Luminous Page tungkol sa tax evasion na inihain ni dating Justice Carpio laban kay BBM:


No comments