Home Top Ad

"Bakit kailangang paglaruan ang mga Pilipino?" — Hontiveros sa Political withdrawal and substitution

Share:

Pinasaringan ni Senador Risa Hontiveros noong Lunes ang mga political maneuverings sa panahon ng pag-withdraw at pagpapalit ng mga kandidatura sa ilalim ng Omnibus Election Code.

“Ang publicity stunt na mas nakakabulabog ay ang hindi matapos-tapos na pagpapa-ikot sa sambayanan pagdating dito sa simpleng filing of candidacy. Bakit kailangang paglaruan ang mga Pilipino?” Sinabi ni Hontiveros sa Pandesal Forum nitong Lunes. “Ang sabi ng iba strategy daw, itinatago daw nila ang kanilang alas hanggang sa huling sandali. Ngunit hindi ito nakakatulong sa ating mga institusyon ang ganitong uring pagpapaasa,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Hontiveros na maaaring ito ay "bahagi ng diskarte o tying up loose ends ng anumang negosasyon" sa mga sangkot na pulitiko.

Kahit na hindi binanggit ni Hontiveros ang mga pangalan, maraming substitutions ang ginawa ng malalaking pangalan sa pulitika nitong weekend, kabilang na dito ang paghain ni Senador Bong Go ng certificate of candidacy para sa pagkapangulo matapos niyang i-withdraw ang kanyang vice presidential bid.
 

Noong Sabado din, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatakbo siya bilang bise presidente ilang sandali matapos maghain ng sariling substitute certificate of candidacy ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte sa pagka-bise presidente.

Nitong Lunes, gayunpaman, naghain si Pangulong Duterte para tumakbong senador bilang substitute ng kandidato ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan

Basahin ang reaksyon ng mga netizens sa pasaring ni Senador Risa Hontiveros hinggil sa mga political maneuverings sa panahon ng pag-withdraw at pagpapalit ng mga kandidatura:

Kathleen Naol: You've been there in the senate but you'd never thought of proposing to amend or repeal the law then now you'd all cry foul because someone has maximized it. That provision in the law has been there all along. Do not blame the personalities who used it and for lack of foresight and a better strategy by your opposition team. You tried but your best wasn't good enough. Sus hontiveros tigil tigilan nyo nga kami ng kaepalan nyo, lahat nalang ng galaw ng marcos at duterte issue sa inyo pero kung kayu ggawa ok lang? Tas mga ganyan na coment niyo headline agad? Galing nyo talaga magmanipula ng utak ng tao.
 




Source: gmanetwork

No comments