
Hindi naniniwala si PIA Director General Mon Cualoping sa bagong pilosopiya ni Leni Robredo na makikipagtulungan sa kanyang VP kung siya ang magiging susunod na Presidente ng Pilipinas.
Sa isang Facebook post, mariin na tinanong ni Cualoping si Robredo kung bakit bigla siyang nagbago ng loob gayong sa nakalipas na 5 at kalahating taon sa ilalim ng Duterte admin, tumanggi siyang makipagtulungan?

Ayon pa kay Cualoping, na ang nagpalakas ng loob kay Robredo ay ang Ateneo de Manila at iba pang mga Jesuits dahil sila ay sak1m at gutom sa kapangyarihan.
Umapela si Cualoping kay Robredo na huwag nang lokohin ang mga tao at magkaroon ng kahihiyan. Aniya, pagod na ang publiko sa mga Dilawan.
Tinapos ni Cualoping ang kanyang maikling post sa FB na nagsasabing kung si Bong Go ang papalaring maging VP, 1000% mas mahusay siya kompara kay Leni bilang VP.
Basahin ang buong post ni PIA Director General Mon Cualoping:
Mama Leni, Bakit di ka nakipag cooperate kay Tatay Digong? Alam mo pala ang sagot eh. Bakit ka ganyan the past 5 and half years? Kontra ka ng kontra tapos ngayon nagpapabango ka. Di ba trapo ka?
Nagpapalakas sayo ng loob ang mga taga Ateneo de Manila at ibang Heswita. Kasi swapang at sakim sila sa kapangyarihan. Huwag na natin lokohin ang Pilipino.
Mahiya naman kayo. Sinusuka ng tao ang mga Kakampinks.
VPGO will be better than you 1000%!
Puro lang kayo motorcade at Twitter.



No comments