Home Top Ad

"Let the government buy it, di ko kailangan tubuan ang gobyerno" — Ramon Ang

Share:

Ang presidente at CEO ng Petron na si Ramon Ang noong Lunes ay nagpahayag ng pagpayag na ibenta muli ang kumpanya ng langis sa gobyerno. Ito ang binanggit ni Ang sa briefing ng House ways and means committee tungkol sa price monitoring ng mga produktong petrolyo at mga panukalang pagsuspinde o pagbabawas ng excise tax sa gasolina.

Ayon kay Ang, maaari niyang ibenta ang korporasyon sa gobyerno anumang oras at maaaring bayaran ito "sa market valuation" sa susunod na limang taon.

"Yung sina-suggest na bilhin ng gobyerno yung Petron, privatization, anytime po puwede ko pa ipautang sa Philippine government, bilhin ninyo ito ng over five years to pay, ano ho 'yan, I swear kung gusto ng gobyerno bilhin handa niyo na, sabihin niyo na, bebenta ko kaagad sa inyo. Pagawaan niyo na ng valuation immediately, walang arte-arte," ayon kay Ang sa mambabatas. "Kung sa tingin ninyo jackpot 'yung negosyong 'yan, let the government buy it, market valuation 'yan di ko kailangan tubuan ang gobyerno," dagdag pa ni Ang.
 

Ang Petron Corp. ay dating pag-aari at kontrolado ng estado. Isang panukalang batas na inihain ng mga mambabatas ng Bayan Muna na sina Carlos Zarate, Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat ang nanawagan para sa muling re-nationalization ng kumpanya ng langis.

Binanggit ng House Bill 244 na ang privatization, liberalisasyon, at deregulasyon ng industriya ng langis ay nagbigay-daan sa pagtaas ng presyo ng langis na hindi mapigil. Ang iminungkahing panukala ay magtitiyak sa publiko ng makatwirang presyo ng mga produktong petrolyo.

"This bill requires, as an imperative for an urgent and long-term response to the looming cr1sis, the renationalization of Petron Corporation, so that the valuable government asset can truly fulfill the responsibility of the State to ensure public welfare through fair and regulated prices," saad ng panukalang batas, na inihain noong 2019.

Sa hiwalay na pahayag, tinanggap ni Gaite ang pagiging bukas ni Ang na ibenta muli ang Petron sa gobyerno. Dagdag pa niya, umaasa rin siya na ang kasalukuyang administrasyon o maging ang susunod ay kunin ang alok upang magkaroon ang gobyerno ng kontrol sa presyo ng langis.

"Indeed, there is a pressing need for government to regulate and intervene in the oil industry to protect the majority of Filipinos from runaway increases in oil prices," ayon kay Gaite. "In fact, our House Bill 244 specifically calls for the full renationalization of Petron in a span of four to five years so that we can have a midterm to long term deterrent to runaway oil price hikes," dagdag pa niya.

Samantala, mayroon nang mga panukalang batas at resolusyon na nanawagan sa pagsuspinde o pagbabawas ng excise tax sa mga produktong petrolyo bilang tugon sa pagtaas ng presyo ng mga ito.
 

Una sa lahat, isinusulong ng House Bill 10438 ni Salceda ang pagbabawas sa excise tax ng mga produktong petrolyo mula Disyembre 1, 2021 hanggang Hunyo 1 ng 2022 dahil ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ay maaaring maging "seryosong dampener sa pagbawi ng ekonomiya at stabilization ng presyo. "

Sa kabilang banda, hinimok ni Deputy Speaker at Cagayan de Oro City Representative Rufus Rodriguez ang House of Representatives na ipasa ang kanyang panukala sa pagsuspinde sa excise tax sa mga produktong langis ngayong linggo.

Layunin ng House Bill No. 10246 ni Rodriguez na suspindihin ang excise tax increase sa mga produktong langis na ipinataw sa ilalim ng Section 43 ng Republic Act No. 10963, o ang Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, sa loob ng apat na taon.

"The Speaker wants the proposed tax reduction approved immediately or as soon as possible. So let’s do it before the week is over, on the first week of our resumption of session," sinabi ni Rodriguez sa isang pahayag.

Matapos ang ilang magkakasunod na pagtaas ng presyo, inaasahang bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.

Basahin ang reaksyon ng mga netizens sa pahayag ng presidente at CEO ng Petron na si Ramon Ang na ibenta muli ang kumpanya ng langis sa gobyerno:
 



Source: gmanetwork

No comments