Home Top Ad

PAGCOR official, May babala sa mga Kritiko: "Lalo nyong pinapalakas at pinagkakaisa ang BBM Supporters"

Share:

PAGCOR official at Singer-songwriter na si Jimmy Bondoc ay nagpahayag ng kanyang sariling opinyon hinggil sa disqualification case laban sa early survey frontrunner na si Bongbong Marcos.

Ang disqualification case ay isinampa sa Commission on Elections (Comelec) noong Martes ng mga petitioner na nagsasabing hindi kuwalipikadong tumakbo si Marcos dahil siya ay hinatulan ng korte sa Quezon City dahil hindi siya naghain ng income tax return noong Hulyo 1995.

Nilinaw ni Bondoc na sinasabi niya lamang ang kanyang neutral na pananaw sa kontrobersyal na isyu. Dagdag pa niya, ang DQ case versus BBM at binanggit ang Santiago vs Garchitorena case kung saan ang dating senador ay nagpaalala sa atin ng probisyon sa Saligang Batas, partikular sa Art IX-C, Section 10, na nagsasaad na ang mga bona fide candidates para sa anumang pampublikong opisina ay malaya sa anumang anyo ng panlil1galig at diskriminasyon.

Gayunpaman, nalungkot si Bondoc dahil ang mismong mga taong inaasahang magpapatupad ng batas ay kabaliktaran ang ginagawa. Sinabi ni Bondoc na hindi siya pro o anti-Marcos ngunit kung walang Duterte na tatakbo sa pagkapangulo pagkatapos ng Nobyembre 15, ikokonsidera niyang si BBM ang kanyang presidential bet.

Binalaan ni Bondoc ang Oposisyon na kung ipagpapatuloy nila ang paghahagis ng black propaganda at aapihin si BBM, 9 out 10 Filipinos ang pipiliin si BBM mula sa 7 out 10 pagkatapos ng DQ case. 

Maaari mong basahin ang post ni Jimmy Bondoc sa ibaba:

Hindi ako pro or anti bbm. Nag-iisip pa ako. Pero - Sa kasong Santiago v Garchitorena, si mam Miriam Santiago ay nagpaalala sa atin ng Art IX-C, Section 10 ng konstitusyon: SECTION 10. Bona fide candidates for any public office shall be free from any form of har@ssment and discr1mination.

Pero, sa kasamaang palad, hanggang ngayon, kabaliktaran pa rin ng nakasaad sa saligang batas ang ginagawa ng mga taong dapat nagpapatupad nito. Hindi ako pro or anti BBM. Ulit-ulit ko pong sinasabi. I will consider him as a candidate, although I am considering many others, and am still waiting for Nov. 15.

Pero kung gusto niyong labanan ang sikat na kandidato, sobrang bul0k ng style na ginagawa niyo ngayon. Lalo niyong palalakasin at ipapagkaisa ang supporters ni bbm. Tsaka pag na DQ siya, uungkatin na naman sigurado ang kaso ng former candidate, na hindi na DQ kahit lantarang binalibag ang lumang depinisyon ng natural-born at ng residency requirement.

Sabagay, predictable naman itong pag file ng DQ. As a matter of fact, pagkatapos nito, kung anu-ano pa siguro ang ihahagis kay bbm, kasama lababo at kubeta, para lang pabagsakin. Hindi ako decided.

Pero totoong tao ako. At malinaw sa akin na mga 7 out of 10 ng tanungin ko sa labas, si bbm ang gusto kung walang duterte na tatakbo. Yan ang totoo. Tapos, aapihin niyo? E baka maging 9 out of 10 yan. Bahala kayo.

Good morning! Life is always good. Find God, find love, and be grateful to be alive (smile)


Basahin ang reaksyon ng mga netizens sa opinyon ni PAGCOR official at singer-songwriter na si Jimmy Bondoc hinggil sa disqualification case laban sa early survey frontrunner na si Bongbong Marcos:






Source: jimmy bondoc

No comments