Home Top Ad

"She was not invited", Nagsalita na ang isa sa mga nakasama ni Poblacion Girl sa party!

Share:

Si Carlos Laurel, isang modelo at aspiring politician sa Batangas, ay kabilang sa mga nakasama ni Gwyneth Anne Chua, na mas kilala bilang Poblacion Girl, sa isang bar sa Makati. Pinsan siya ng aktres na si Denise Laurel, at nagpost siya sa Facebook para ipaliwanag ang kanyang side.

Ayon kay Carlos, hindi niya alam na tumakas si Gwyneth sa quarantine, at nang malaman niya ang tungkol sa resulta noong Disyembre 27, sa mismong araw na lumabas ang resulta, agad siyang nagpa antigen at nag-isolate.

Binanggit din niya na sinusunod niya ang mga protocol at hindi kinukunsinti ang paglabag nito. "Gwyneth is the girlfriend of a friend of my younger cousins who passed by at the end of dinner, Gwyneth was NOT invited to dinner by me or my relatives," ayon kay Laurel.
 

Umaasa siya na ang kanyang pahayag ay magbibigay liwanag sa usapin, lalo na ang mga akusasyong ibinato sa kanya.

Basahin ang kanyang buong post:

Thank you for the concern. In response to the questions: Ms. Gwyneth Chua tested positive on Dec. 27, 2021 and I learned about the result the same day when my cousin messaged our group four (4) days after our dinner. I did NOT know she had skipped quarantine nor did I have anything to do with the incid3nt. My immediate response was to antigen myself and my family then isolate to monitor for possible symptoms. I then proceeded to inform those I came in close contact with about the current situation. Gwyneth is the girlfriend of a friend of my younger cousins who passed by at the end of dinner, Gwyneth was NOT invited to dinner by me or my relatives. I do not condone breaching of quarantine protocols, I am fully compliant and in contact with the CIDG and their current inv3stigation on the inc1dent. As to not interfere with the said inv3stigation, I was advised by them not to further comment on the situation until its conclusion. I hope this has shed some transparency on the false accus@tions of my involvement in the breaching of quarantine protocols. Thank you again. Stay safe.

OFFICIAL STATEMENT

Nais ko pong ipaabot ang aking lubos na pasasalamat para sa lahat ng aking mga kaibigan na nag-alala, nag-alok ng tulong at nagpakita ng suporta sa aking kalagayan nitong mga nakaraang araw. Ako po ay nag-isolate kaagad noong nalaman ko na nagkaroon ako ng exposure sa isang tao na nag-positive para sa c0r0navirus. Makalipas ang pitong (7) araw mula sa posibleng exposure date ay nagpa-test agad ako (RT-PCR) at negative ang naging resulta nito. Dahil dito, lubos po ang aking pasasalamat sa ating Poong Maykapal at sa kasiyahan na makikita at makakasama kong muli ang ating mga kababayan sa Lungsod ng Tanauan. Aking laging ipinapa-alala ang kahalagahan at ang pagsunod ko sa minimum public health standards at agarang pagbabakuna na siyang nagbigay ng dagdag na proteksyon sa akin. Muli, ang inyo pong panalangin, pag-aalala at malasakit ay aking taos-pusong pinahahalagahan. Ramdam ko po ang inyong pagmamahal at buong tiwala sa akin. Isang ligtas at mabiyayang Bagong Taon sa ating lahat!

Ang inyong lingkod,
CARLOS LAUREL


Si Gwyneth Anne Chua, o mas kilala rin bilang Poblacion Girl, ay ang balikbayan na tumakas sa quarantine para lang makipag-party kasama ang mga kaibigan ngunit kalaunan ay nahuli.

Ang mga magulang ni Gwyneth Anne Chua, aka Poblacion Girl, ay isasama sa mga kasong krim1nal na isasampa ng Cr1minal Inv3stigation and Detection Group (CIDG). Ang CIDG ay magsasampa ng kaukulang kaso laban kay Chua, kasama ang walong iba pang tao na tumakas sa quarantine.

Naiulat na nakibahagi umano ang mga magulang ni Chua sa pamamagitan ng pagsundo sa kanya mula sa hotel at paghatid sa kanya doon. Bukod sa mga magulang ni Chua, sisingilin din ang ilang staff ng hotel.

Hindi naitago ni Aiko Melendez ang kanyang pagkasukl@m sa babaeng tinatawag na ‘Poblacion Girl’ dahil sa pakiki-party nito sa isang bar sa Barangay Poblacion sa Makati City.

Si Chua ay dapat na nasa ilalim ng quarantine sa isang hotel pagkatapos umuwi mula sa Estados Unidos. Nakaalis siya sa quarantine facility at dumalo sa isang party noong Disyembre 27. Nagpositibo siya sa virus noong Disyembre 29, kasama ang ilan sa mga nakakausap niya sa party.

Basahin ang reaksyon ng mga netizens sa post ni Carlos Laurel, isang modelo at aspiring politician sa Batangas, na kabilang sa mga nakasama ni Gwyneth Anne Chua, na mas kilala bilang Poblacion Girl, sa isang bar sa Makati:

No comments