Home Top Ad

"Hindi po pera pera. Heto po ay laban ng prinsipyo" — Dawn Chang

Share:

Nag viral si Toni Gonzaga matapos mag-host ng proclamation rally ng UniTeam, na kinabibilangan ng ilan sa mga pulitiko na nagtulak na isara ang ABS-CBN, ang home network ni Toni sa loob ng mahigit isang dekada.

Si Dawn Chang, dating Pinoy Big Brother housemate, ay nagpahayag sa social media ng kanyang disappointment sa suporta ni Toni para sa UniTeam. Tinanong ni Dawn si Toni, kung bakit niya sinusuportahan ang mga pulitiko na napagbintangan noon ng mga political misdeeds at naging vocal sa kanilang pagnanais na isara ang Kapamilya Network.

Ayon kay Dawn, ipinapahayag niya ang kanyang pagbatikos kay Toni dahil naniniwala siyang ito ang tamang gawin. Hindi rin siya natatakot sa mga kahihinatnan ng pagpapahayag ng kanyang opinyon.
 
Basahin ang buong post ni Dawn Chang:

It’s my greatest honor to verbalize what other people cannot say: I am deeply insulted and disappointed by the actions of my fellow kapamilya actress Ms. Toni Gonzaga. Paano nyo po nasikmurang suportahan at tulungan ang mga taong may m@lupit na nakaraan sa kasaysayan ng bansa at sa pagkawala ng trabaho ng mga kasama natin sa industriya?

As a former PBB housemate, alam kong magtatampo nyan si Kuya. I cannot remain quiet. Alam ng lahat ng artista na mas "safe" ang manahimik na lamang. Pero hindi ko po kaya. Hindi pwede. It is my privilege to lend my small voice in this battle for the soul of our country.

Kaya sa aking mga kapwa Pilipino, kay VP Leni Robredo Leni Gerona Robredo po ang suporta ko. Hindi po ako binayaran dito. If this is my biggest f1ght, then I will forever cherish standing up to what I believe in. Hindi po pera pera. Heto po ay laban ng prinsipyo.

I want for all of us to say "Hello" to a better Philippines. Today, and always, I pray for everyone's guidance. May He send us His true guardian angels. I will forever fight the good fight with all of my true kapamilyas and the Filipino people. #angatbuhaylahat


Sa kabilang banda, marami rin sa mga netizens na dumepensa sa karapatan ni Toni na suportahan ang mga pulitikong gusto niyang suportahan.

Si Toni Gonzaga ay isang sikat na artista, host ng telebisyon, at YouTube star sa Pilipinas. Ikinasal siya sa direktor na si Paul Soriano noong Hunyo 12, 2015 sa Taytay, Rizal. Ipinanganak ni Toni ang kanilang panganay na si Severiano Elliott noong Setyembre 30, 2016.

Sa kanilang kasal, isa sa kanilang mga ninong si dating senador Bongbong Marcos.

Basahin ang reaksyon ng mga netizens sa post ni Dawn Chang ukol kay Toni Gonzaga:
 




Source: Dawn Chang

No comments