"Huwag nating kakalimutan na nangyari ang EDSA 1 [People Power] dahil gusto natin ng maayos, malinis na pamahaalan na hindi nang-aabuso sa pwesto," sinabi ni Pangilinan sa isang panayam sa isang campaign stop sa Pampanga.
Gugunitain ng bansa sa Pebrero 25 ang ika-36 na anibersaryo ng EDSA People Power na nagpatalsik kay Ferdinand Marcos at sa kanyang pamilya.
Ang asawa ni Pangilinan na si Sharon Cuneta, isang aktres at mang-aawit ay nagsabi na ang kanyang asawa at si Bise Presidente at kandidato sa pagkapangulo na si Leni Robredo ay nag-aalok ng taos-pusong serbisyo publiko na inaasam-asam ng mga Pilipino.
"Gaya po ng bilin ni Maam Leni, hindi magiging gobyerno ito ng paghihig@nti o ano pa man. Ito ay magiging gobyerno na lahat ay sisilbihan kapag sila ay napagbigyan," ayon kay megastar.
Nilagdaan ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang Human Rights Reparation and Recognition Act bilang batas noong 2013, isang batas na nagbibigay ng kabayaran sa mga bikt1ma ng paglabag sa karapatang pantao noong Mart1al Law Regime ni Marcos mula 1972 hanggang 1986.
Ang kabayaran para sa mga b1ktima ay pinondohan ng 1ll-gotten wealth ng pamilya Marcos na nabawi ng gobyerno ng Pilipinas mula sa mga Swiss banks. Hindi bababa sa 11,000 surviv0rs ng Mart1al law atr0cities ang nakatanggap ng kompensasyon na ibinigay sa ilalim ng batas batay sa mga talaan ng Human Rights V1ctims’ Claims Board.
Ang anak ni Marcos na si dating Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., ay tumatakbong pangulo sa 2022 polls.
Basahin ang reaksyon ng mga netizens sa sinabi ni vice presidential bet Senator Francis "Kiko" Pangilinan na nangyari ang EDSA People Power dahil sa sigaw ng mga tao para sa mabuting pamamahala:
No comments