"Wala din kami pambayad at hindi namin yun gagawin, kasi kung magbabayad kami ng mag-aattend sino yung niloloko namin di ba, sarili din namin yung niloloko namin. Mas mabuti yung organic yung pumupunta dahil yun yung naa-assess mo kung gaano ka kalakas. Pero ako nalulungkot ako na magre-resort sa ganito, na hindi pinapahalagahan yung dignidad ng mga taga-Cavite. Eto, kung kung may pruweba, eh di ilabas yung pruweba, pero huwag naman yung basta, basta mag-aaccuse na very irresponsible, tapos yung sabwatan, coalition ba sabwatan, ewan kung anong term yung ginamit, ano yung basis. Ako wala kong nakita at all, ng any indication na pwede kaming, ma-accus3 na nakikipagsabwatan kami. Insulto sa mga province-mates, nandun ako. Nandun ako, nakita ko yung energy level ng tao, from start to finish. Pag bayad yata, hindi yun ganun. Wala naman akong nakitang mga truck o mga bus na nagdadala sa mga tao. In fact, papunta dun nakita ko andaming naglalakad."
Panoorin ang video:
Si VP Leni Robredo ay incumbent vice president ng Pilipinas. Siya ay isang human rights lawyer. Ang kanyang asawa ay ang yumaong DILG Secretary na si Jesse Robredo. Mayroon silang tatlong anak na babae.
Nag-tweet si VP Leni at personal na nagpasalamat sa asawa ng driver ng motorcycle na nagdala sa kanya sa grand rally sa Cavite. Sa pagtugon sa tweet ni Kristine Danica Mariano, nag-sorry pa siya sa paggamit ng kanilang motorsiklo, dahil ito ay dala ng matinding pangangailangan. Inulit niya ang kanyang pasasalamat at sinabihan si Kristine na sabihin sa kanyang asawa, si Sherwin, na salamat sa paghatid sa kanya nang ligtas sa venue.
Bilang tugon, labis na nagpasalamat si Kristine kay VP at sinabi pa nitong isang karangalan para sa kanila ang makapaglingkod kay VP. Ang asawa ng driver ng motorsiklo, na sinakyan ni VP Leni papuntang Cavite grand rally ay nagpahayag ng kanyang saloobin sa pamamagitan sa Twitter. "Kilig" pa rin daw ang kanyang asawa at medyo nababalisa din siya na madumi ang kanilang motorsiklo. “Nakakahiya,” aniya.
Gayunpaman, lubos niyang pinasalamatan si VP sa karangalan na magamit ang kanilang motorsiklo.
Basahin ang reaksyon ng mga netizens sa sagot ni Vice President Leni Robredo sa mga akusasyon na ibinato ni Cavite 7th District Rep. Boying Remulla, na sinabing ang mga dumalo sa Cavite grand rally ay binayaran ng P500:
No comments