
At the time writing this article, Tanya's post has reached over 51,000 people. It has also garnered thousands of reactions from netizens.
Please read her full post below:
NAIINIS AKO KAY DUTERTE OFW ako na umuwi ng Pinas pero BAT GANUN??? Feeling ko VIP ako na umuwi. NAKA UWI AKO NG MINDANAO NA WALA AKONG GINASTOS. BAT GANUN ANG ADMINISTRASYONG ITO?? HINDI AKO SANAY NA LIBRE LAHAT. Dumating ako ng NAIA ng January 22 ng tanghali. Pag dating ko, bat ganun?? May FREE WIFI AGAD?? Given na, na mabilis sobra ang free wifi kasi di naman madami masyado ang mga uuwi o nasa airport. Pero kahit na, bat nakaka connect ako agad at ang bilis pa. DI AKO SANAY.
Ang daming PHIL. COAST GUARD Personnel, taga RED CROSS, doktor, nurses atbp. May kanya-kanya silang naka tuka. Unang nag assist samin is doctor and nurses. Tinanong kami san kami nang galing etc.. then pagkatapos sa Red Cross naman kami. Wala akong finill-apan sa online o sa internet na kung anuman. Pero bat ganun?? Inassist kami ng marines, sila pa ang nag fill-up para samin. Hiningi lang nila ang passport copy namin and other details. Bat ganun?? Pwede naman na ako nalang mag fill-up sa sarili ko. Bat nila ako tinulungan?? DI AKO SANAY.

After sa swab test, kinuha na namin ang luggage namin, isa pa to sa kinaiinisan ko. BAT MAY MGA TAO NA NAGBUBUHAT NG MALETA MO SA CONVEYOR?? Ituturo mo lang ang maleta mo tapos kukuhanan ka nila ng cart at ilalagay ang maleta mo. Bat ganun?? WALANG GANYAN DATI AH DI AKO SANAY. Nakuha ko na ang maleta ko, while waiting sa taga OWWA na van na sasakyan namin papunta sa hotel kung saan kami maku-Quarantine binigyan ako ng Lunch pack. Bat ganun?? Dapat hindi kami binigyan ng libre. Dapat bibili kami sa sarili naming pera. DI AKO SANAY.


May taga Quarantine Officer na nag assist sakin nung nalaman niya na may Negative result na ako, sinundo pa ako sa hotel room ko at binitbit pa lahat ng gamit ko pababa hanggang maka sakay kami ng bus pa terminal na naman pa Mindanao. Bat ganun? Kaya ko naman bumaba at mag bitbit ng gamit ko. Di na ako dapat inassist pa. DI AKO SANAY.

Naka rating nako ng Mindanao na hindi pa din ako gumagastos. Naiinis na talaga ako. May taga OWWA na naman na naka antabay samin. Bat ganun?? Dapat wala na. Nasa mindanao nako, kaya ko na sarili ko. Nakarating na nga ako ng mindanao, wala pa akong ginagastos eh. May pangalan na agad ako dun sa listahan?? Na naka book na sa isang hostel/hotel. Bat ganun, wala akong natandaan na nagpa book ako. Dahil na naman sa taga OWWA? LIBRE NA NAMAN LAHAT?? DI AKO SANAY.

Kinabukasan, may sumundo na naman na van samin papunta sa lugar kung saan kami mag Swab Test ulit para sa Mindanao na naman. Iba ang swab test sa Manila and iba sa Mindanao. Pero bat ganun?? Libre na nga ang Van na sinakyan namin for almost 4 to 5hours tapos yung swab test dito sa Mindanao LIBRE ULIT??
Before kami ni Rapid Swab Test binigyan kami ng tag 2 packs ng meal set. Libre na nga ang van na sinakyan namin, libre pa daw ang swab test tapos binigyan kami hindi lang tag isa ha, kundi tag dalawa pa. TAG DALAWA KADA TAO NA MEAL SET. LIBRE NA NAMAN ULIT. DI AKO SANAY.

After na lumabas ang result sinundo na kami ng LOCAL LGU namin para ihatid sa bahay namin. Sinundo kami ng van at LIBRE NA NAMAN?? Libre na nga hinatid pa kami sa mismong tapat ng bahay namin. Bat ganun? DI AKO SANAY.
AT YUN NGA PO, NAKARATING AKO SA BAHAY NG WALA MAN LANG AKONG BINAYARAN, DI AKO SANAY, MAY LIBRE PA PALA SA PANAHON NGAYON??
Diko maisip panu ako nakarating ng mindanao na wala man lang akong binayaran. OFW AKO, DAPAT AKO NA GUMASTOS PARA SA SARILI KO. Parang Prinsesa umuwi pero WALANG GASTOS?? San ka pa.
For now, ako ay under sa 14days Home Quarantine. Kaninang hapon lang (Jan.30) May tumatawag ng pangalan ko sa labas ng bahay. Taga LOCAL LGU ng Barangay namin. Naka ambulance car, May 4 na tao, Dalawa nasa tapat ng gate namin at ang dalawa nasa loob ng ambulance car. Kala ko napanu na. Yun pala nagbibigay daw ng AYUDA.


DI AKO SANAY. GIVE THE CREDIT TO WHOM IT IS DUE. KASALANAN LAHAT TO NI DUTERTE.
DUTERTE LANG MALAKAS.
Read the reaction from the netizens on the post of the OFW how the Duterte Administration treat them from the airport straight to her house:


No comments