Home Top Ad

Panoorin: Trillanes, Naging Emosyonal sa interview ni Ogie Diaz!

Share:

Naging emosyonal kamakailan si dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV sa kanyang panayam kay Ogie Diaz.

Sa nasabing panayam na in-upload ni Diaz sa kanyang YouTube channel, hindi napigilan ni Trillanes na umiyak habang inaalala ang ilang mahihirap na sandali sa kanyang buhay. “Marunong ka pa rin bang umiyak, Sen? Umiiyak ka pa rin ba?” tanong ng aktor at talent manager kay Trillanes na kilala bilang isang matigas na senador.
 

“Maraming panahon na nagyayari 'yon. Especially ito, nu'ng August, dalawa 'yung nawala sa pamilya namin. Mother ko, sa birthday ko talaga. Then, two weeks after 'yung brother ko,” sagot ni Trillanes. “Actually 'yung kapatid ko na 'yon, 'yan 'yung ano ko e, 'yung parang ano siya, cheerleader siya.”

Naalala rin ni Trillanes ang panahon na nawalan sila ng anak ng kanyang asawa. “And at some point nu'ng 2004, I lost my son dahil sa stress. 'Yung wife ko had a difficult pregnancy, so naapektuhan. The difficult pregnancy was caused by stress. And na-stress naman 'yung wife ko dahil nakakulong nga ako. So 'yun 'yung mga difficult moments in my life.”


Si Antonio Trillanes ay dating Senador ng Republika ng Pilipinas. Siya ay patuloy na isa sa mga masugid na kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang mga kaalyado. Kilala rin siya sa kanyang pagkakasangkot sa Oakwood mut1ny noong 2003 at sa Manila Peninsula si3ge noong 2007 bilang pr0testa laban sa administrasyong Arroyo.

Si Trillanes at ang kanyang mga tauhan ay kinasuhan sa isang general court-mart1al. Siya ay nakakul0ng ng halos pito at kalahating taon.
 

Nauna rito, nakasagutan niya si Robin Padilla tungkol sa pananaw ng isa't isa hinggil sa tugon ng gobyerno laban sa novel cor0nav1rus pand3mic. Una nang binanggit ni Trillanes si Robin sa Twitter tungkol sa pahayag ng aktor tungkol sa mga Pilipinong nagrereklamo sa gitna ng kr1sis sa kalusugan. 

Kalaunan ay nagpost si Robin sa Instagram at tinatanggol ang kanyang sarili at ang administrasyong Duterte. Napag-usapan din niya ang prangkisa ng abscbn at ang pambansang halalan sa 2022. 

Naniniwala ang dating senador na babalik sa ere ang giant media kapag nanalo ang oposisyon.

Basahin ang reaksyon ng mga netizens tungkol sa naging emosyonal na interview kamakailan ni dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV kay Ogie Diaz:
 




Source:  Ogie Diaz

No comments